DILG Sec. Eduardo Año nagpositibo sa COVID-19

DILG Sec. Eduardo Año nagpositibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
48 views

Nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ipinabatid ni Año na nagsimula na siyang sumailalim sa 14-day self-quarantine nuong March 26 matapos makasalamuha ang apat na positibo sa COVID-19.

March 27 aniya nang kagad siyang sumailalim sa COVID-19 test at makalipas ang apat na araw ay lumabas ang resulta na positibo nga siya sa nasabing virus.

Sinabi ni Año na inanunsyo niya ang kaniyang kalagayan para himukin ang lahat ng mga taong nakasalamuha niya na sumailalim na rin sa self-quarantine at obserbahan kung nakakaranas ng sintomas.

Tiniyak naman ni Año na maayos ang kaniyang kondisyon at walang nararamdamang sintomas subalit patuloy na magse-self-quarantine at magwo-work from home.

Muling nagpaalala si Año sa publiko na manatili sa bahay at sundin ang social distancing —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

0 comment

Related Posts