Isang Pinay nurse sa Florida, USA nasawi dahil sa COVID-19

Isang Pinay nurse sa Florida, USA nasawi dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
52 views

Isang Pinay nurse sa Miami Florida, USA ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na si Arceli Buendia Ilagan, 63 taong gulang ay nagtatrabaho bilang ICU nurse sa Jackson Memorial Hospital sa nakalipas na 33 taon. Si Ilagan ay nagtatrabaho pa noong isang linggo nang makitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ang pagpanaw ni Ilagan ay ikatlong kaso ng COVID-19 related fatality sa Miami dade county. Batay sa Florida Health Department mayroong mahigit na 5,000 kaso ng COVID-19 sa Florida at 63 rito ay nasawi.

0 comment

Related Posts