Kakulangan ng tubig ramdam na rin sa Cebu

0
72

Kakulangan ng tubig ramdam na rin sa Cebu

Mahigit anim na libong (6,000) mga customer ng Metropolitan Cebu Water District ang makararanas ng kakulangan sa supply ng tubig.

Ito ay matapos na pansamantalang itigil ang pagpoproseso ng tubig sa Buhisan dam dahil sa matinding pagkatuyo nito dulot ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Chairmaine Rodriguez-Kara, Spokesperson ng Metropolitan Cebu Water District, pinakatatamaan ng kakulangan sa supply ng tubig ay ang Cebu City.

Kaugnay nito, nagsimula na ang kanilang pagrarasyon ng tubig sa mga lugar na lubhang tatamaan ng water shortage.

Una nang itinaas ang state of calamity sa buong probinsya ng Cebu dahil sa matinding tag-init.

Samantala, nakatakdang mag-convene ang Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa buong probinsya.

Ayon kay PDRRMO Assistant Head Totch Dela Cruz, ilalatag ng konseho ang implementasyon ng emergency response plan para maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon.

Tinatayang nasa 59 million pesos ang inilaan sa quick response fund ng probinsya para ipang-ayuda sa mga magsasaka at residenteng apektado ng matinding tag-init.

—-