Ex-economic adviser Micahel Yang walang kaugnayan sa anumang illegal na gawain — Palasyo

0
45

Tila magkaibang tao ang Michael Yang na ini uugnay sa illegal drugs at ang Michael Yang na dating economic adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte at may ari ng Davao City Los Amigos Stores sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, narito nya mismo kay Director General Aaron Aquino ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang anumang report na nag-uugnay sa dating economic adviser sa anumang ilegal na gawain.

Sinabi ni Panelo na kung tutuo ang alegasyong sangkot si Yang sa illegal drugs, bakit hindi ito kinasuhan o inaresto nuong mga panahong yun.

Una rito, lumutang si dating Senior Supt. Eduardo Acierto ibinunyag na nagsumite sya nuon ng intelligence report tungkol sa illegal drugs activities ni Michael Yang


PNP nangangalap na ng impormasyon kaugnay saumano’y koneksyon ni Michael Yang sa illegal drugs

Nangangalap na ng impormasyon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa di umano’y koneksyon ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa illegal drugs.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, normal na isinasagawa ito ng PNP Directorate for Inteligence kapag mayroong personalidad na nasasangkot sa illegal drugs.

Tinukoy ni Albayalde ang alegasyon ng dating pulis na si Eduardo Acierto laban kay Yang.

Bilang panimula aniya ay maaaring beripikahin ng intelligence community ang mga tinutukoy na anti-drug operations ni Acierto.