Ex-DENR sec Gina Lopez hindi totoong patay na — ABS-CBN Foundation

0
54

Pinasinungalingan ng ABS-CBN Foundation ang kumalat na ulat na patay na ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez.

Ito’y matapos unang lumabas ang ulat mula sa lifestyle publication na Town&Country Philippines na namayapa na si Lopez.

Paglilinaw ng ABS-CBN Foundation, hindi ito totoo at sa kanila magmumula ang opisyal na pahayag hinggil dito.

Samantala, binura na ng naturang publication ang kanilang article kaugnay dito at hindi na makikita online.