Kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 4-M na

0
14

Sumampa na sa 4.1-M ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa 280,000 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 na kumalat na sa 212 bansa at teritoryo.

Samantala, nasa higit 1-M na naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong mundo.