Friday, May 3, 2024

QC LGU magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa anomalya sa distribusyon ng SAP

- Advertisement -

Magsasagawa na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng malawakang imbestigasyon hinggil sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga opisyal ng barangay sa lungsod.

Kaugnay ito ng iba’t-ibang mga reklamo hinggil sa pamamahagi ng cash subsidy sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa pahayag na inilabas ng Quezon City Legal Department, nakatakda itong mag-isyu ng show cause order sa mga susunod na araw laban sa mga opisyal ng barangay na sangkot sa anomalya sa distribusyon ng SAP.

Kabilang anila sa mga reklamong kinasasangkutan ng mga lokal na opisyal ang iligal na pag-kaltas ng tinatawag na “processing fee”, at donasyon pati na rin ang pamimili ng mga benepisyaryong makatatanggap ng ayuda.

Una rito, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang iimbestigahan ang lahat ng mga anomalya hinggil sa Social Amelioration Program.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img