Saturday, May 4, 2024

Kabataan Party-list tinutulan ang panukalang amyendahan ang Human Security Act

- Advertisement -

Mariing tinutulan ng isang mambabatas ang panukalang amyendahan ang Human Security Act.

Ayon kay Kabataan Party List Rep. Sarah Elago, maituturing itong   pag-atake sa mga karapatan ng Pilipino.

Kabilang kasi sa mga probisyon na ipinapanukalang amyendahan sa ilalim ng naturang batas ay ang nakatakdang tatlong araw na pagkakakulong sa isang suspect ng terorismo.

Ayon kay AFP Spokesman Edgard Arevalo, kulang ang tatlong araw upang imbestigahan at kumalap ng impormasyon laban sa isang suspected terrorist.

Kaugnay nito sinabi rin naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na dapat palawigin ang bisa ng wire-tapping law para tapusin ang mga nagsisilbing banta sa seguridad at terorismo.

Dahil dito, sinabi ni Elago na hindi makatarungan na mas abala pa ang mga otoridad sa pag amyenda ng mga batas na posibleng magdulot ng pang-aabuso sa mga Pilipino.

Aniya, dapat na mas pagtuunan ng pansin ng mga otoridad na tuldukan ang kawalan ng trabaho, kontraktuwalisayon na patuloy na nagpapahirap sa taumbayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img