Friday, May 3, 2024

K-12 program review suportado ng TDC

- Advertisement -

Welcome sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang hakbang ng Kamara na i-review ang implementasyon ng K-12 program.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi epektibo ang K-12 program dahil hindi naman nito natupad ang pangako nito na mabigyan ng angkop na kaalaman at kakayahan ang mga mag-aaral.

Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, suportado nila ang hakbang na ito ng Kamara dahil nais nila na matiyak na nakakatanggap ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.

Actually welcome po yan, that is a welcome development move from the House. Basically itong K-12 program ay kailangan naman talaga itong na may reviews lalo na ang laki ng pinangako sa atin nito nung ito’y isinabatas at syempre malaki yung pangako, sobrang babaguhin nito yung landscape ng education system sa Pilipinas. Of course, pangunahin na dyan yung mismong cycle from 10 naging 12, in fact 13 kasi yung integral part nito yung Kinder to Grade 12 tapos yung curriculum binago rin yung approach so, yung buong program kailangan tignan din,” ani Basas.

Dagdag pa nito, mahalaga na mabigyan lamang ng periodic review ang K-12 program upang matukoy din ng mga mambabatas ang kakulangan ng batas upang maging angkop ito sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Basas na isa sa mga problemang kinakaharap ng K-12 program ang kakulangan ng textbooks at trained personnel na magtuturo ng mga specialized subjects sa ilalim ng nasabing programa.

Gayunman, naniniwala naman si Basas na maganda ang layunin ng K-12 program kung handa lamang ang pamahalaan sa pagpapatupad nito.

Yun talaga yung malalaking problema, halimbawa; ito basic point po ito ang textbooks. Hanggang ngayon napakaraming mga subjects at  grade level under K-12 program po, walang textbooks o equipments. Halimbawa, Senior High School nag-ooffer ng kung ano-anong tasks hindi ito masuplayan ng mga pangangailangan sa eskuwelahan even yung personnel dapat na-train na mga dapat personnel dapat ang mag-asikaso dito sa mga special subjects, specially under Senior High School etong grades 11 and 12 kaya hindi po kataka-taka na nakikita natin na medyo hindi talaga ito, gaya ng binanggit ko kanina, kumbaga hindi niya natupad ang kanyang purpose at promise,” ani Basas. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img