JunJun Binay hindi na maaaring humawak ng pwesto sa gobyerno

0
52

Hindi na maaring humawak ng anumang pwesto sa gobyerno si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Ito ay kaugnay ng inilabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) kung saan tuluyan nitong pinag-tibay ang ‘perpetual disqualification’ sa pag-hawak ni Binay ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Kaugnay ito ng ma-anomalyang P1.3-B na 10-storey Makati City Science High School Building Project noong 2007.

Pinagtibay ng CA ang ruling noong 2017 kung saan hinatulang ‘guilty’ si Binay sa serious dishonesty at grave misconduct.

Una rito, sinabi naman ng Office of the Ombudsman na kahina-hinala ang mga pinalabas na imbitasyon sa bidding na pabor sa kontraktor na Hilmarc’s Construction Corporation.

Nakasaad rin sa desisyon ng CA na nakipag-sabwatan si Binay sa ilan pang mga opisyal sa lungsod para sa nasabing proyekto.