Lacson kumpiyansang mananatiling SP si Sotto

0
60

Kumpiyansa si Senator Panfilo Lacson na mananatili si Senate Pres. Vicente Sotto III bilang pinuno ng senado ng 18th congress.

Ayon kay Lacson, nasa 14 na senador na ang lumagda sa resolusyon na nagpapahayag ng kumpiyansa o “vote of confidence” kay Sotto bilang senate president.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Lacson na susuportahan ng PDP-Laban ang senate presidency ni Sotto.

Kabilang naman sa mga senador na nagpahayag ng pagsuporta kay Sotto sina Senate Pres. Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Joel Villanueva, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Grace Poe, at Aquilino Pimentel III.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)