Gunman na pumatay kay Sytin hinatulan ng reclusion perpetua

0
8

Hinatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong ang gunman na pumatay sa negosyanteng si Dominic Sytin na si Edgardo Luib.

Ayon sa inilabas na desisyon ng Olongapo RTC o Regional Trial Court, hinatulang guilty ang self-confessed na gunman.

Bukod dito ay pinatawan din si Luib ng anim na taon hanggang 12 taong pagkakakulong para sa bigong pagpatay sa bodyguard ni Sytin na si Efren Espartero.

Magugunitang kusang sumuko sa pulisya si Luib kung saan inamin nito ang pagpatay sa negosyante noong Nobyembre 28, 2018. — ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)