Sunday, May 5, 2024

Joma Sison pumalag sa pahayag ni Duterte na bakla ang mga NPA rebel

- Advertisement -

Mariing pinabulaanan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na apatnapung (40) porsyento ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ay mga bakla.

Ayon kay Sison, hindi kapani-paniwala ang sinabi ng Pangulo.

Sinabi ni Sison, paanong mapatotohanan ito ni Pangulong Duterte gayung hindi aniya mahanap ng militar at pulisya ang libu-libong commander at miyembro ng NPA.

Aniya, nalalaman lamang ng tropa ng pamahalaan ang lokasyon ng mga rebelde kapag kanila nang inambush o inatake ang mga ito.

Magugunitang sa isang talumpati sa Laguna, sinabi ni Pangulong Duterte na tila inabuso umano ng mga anitong baklang rebelde ang kanyang anak na si Baste Duterte sa turnover ceremony ng mga pinalayang sundalo at militiamen sa Agusan del Sur.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img