Posibleng maganap sa susunod na linggo ang joint session ng Kongreso para talakayin ang pagpapalawig ng martial law.
Alinsunod ito sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso para ma aprubahan ang isang taong extention ng batas militar.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, posibleng isagawa ang naturang sesyon sa umaga ng December 12 araw ng Miyerkules bago resumption ng budget deliberation.
Posible aniyang ihirit ni Sotto na magkaroon muna ng security briefing ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matulungan ang mga mambabatas sa kanilang magiging desisyon.
Nangako naman si Sotto na tanging ang martial law lamang ang kanilang tatalakayin at hinding hindi palulusutin ang panukalang charter change.