Binatikos ni CPP Founder Jose Maria Sison na panibago na namang pag-aresto sa isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Rey Casambre.
Ayon kay Sison, ang pagka-aresto ni Casambre at ng may bahay nito ay pagpapakita lamang ng kawalan ng hustisya sa ilalim ng Duterte administration.
Aniya, imbentong mga akusasyon at planted evidence ang ginawa kay Casambre.
Malinaw aniyang ang pagka-aresto kay Casambre ay paglabag sa immunity guarantees sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) kung saan tinutukoy na dapat na protektahan sa anumang pag abuso at pag aresto ang mga indibwal na kabahagi ng ginagawang peace talks sa gobyerno.
Inaresto si Cambre kasama ang kanyang may bahay sa Cavite kahapon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at two counts ng frustrated murder.
Pinalagan naman ng Malakanyang ang naging pahayag ni Sison.
Ayon sa Malakanyang, hindi na maaring i-invoke ni casambre ang jasig dahil kinansela na ng gobyerno ang pakikipag negosasyon nito sa rebeldeng grupo.
NDFP consultant isinalang nasa inquest proceedings
Isinalang na sa inquest proceedings ang isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) matapos na maaresto kasama ang kanyang asawa sa Cavite.
Matatandaang naaresto kahapon si rey claro casambre kasama ang kanyang may bahay na si Patricia Casambre sa Bacoor, Cavite dahil sa kasong murder at two counts ng attempted murder sa bisa ng warrant na inilabas ng Davao Oriental Regional Trial Court (RTC).
Humarap ang dalawa sa Bacoor City Prosecutor’s Office.
Kabilang si Cambre sa mga nakikipag – back channel talk sa gobyerno.
Si Cambre na ang ikaapat na NDFP consultant na inaresto ngayong taon.