Joint exploration ng Pilipinas at China posibleng lagdaan na

0
69

Posibleng nang malagdaan anumang oras ang joint exploration sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan maaaring maganap aniya ang lagdaan bago pa ang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas bago matapos ang taon.

Paliwanag ni Roque, magsisilbing daan ang pagpasok ng Pilipinas sa bilateral agreement sa China patungong joint exploration.

Kaugnay nito, muli ring iginiit ng kalihim na ang naturang joint exploration ay constitution at alinsunod sa interes ng bansa.

—-