Hindi nababahala ang Malacañang sa pagbagal ng gross domestic prodcuct o GDP sa ikalawang bahagi ng taon.
Ito ay kasunod ng inanusyo ng Philippine Statistics Authority o PSA na pagpalo lamang sa 6 percent ng GDP kumpara sa 6.7 noong 2017.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mataas pa rin kung tutuusin ang 6 percent na naitalang GDP ng bansa.
Gayunman tiniyak ni Roque na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang makabawi at makamit ang target ng bansa pagdating sa ekonomiya.
Nabatid na 7.7 percent growth ang target ng pamahalaan na makamit sa mga susunod na buwan upang maaabot ang inaasam na 7 hanggang 8 percent na GDP para sa buong taon.
—-