BSP nagtaas ng interest rate kontra inflation

0
48

Nagtaas ng interest rate ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa 50 basis points.

Ayon sa BSP, ito ay para labanan ang pagsipa ng inflation rate.

Dahil sa pagtaas ng interest rate, inaasahan umano na madadagdagan ang bayarin ng mga malimit gumamit ng credit cards at iba pang may utang sa bangko.

Ngunit bunsod nito, sinabi ng BSP na mapipilitan ang mga tao na bawasan ang mga bagay na kanilang binibili gayundin ang pag-iwas sa mga utang na magbabalanse sa inflation.

Ang mababang paggastos ng mga tao ang siya umanong magpapabagal sa ekonomiya.

Ngunit bunsod nito, mahihikayat naman umano ang mga negosyante na magbaba ng kanilang presyo at ito ang magiging daan para bumagsak ang inflation.

—-