John Gokongwei Jr. pumanaw na sa edad na 93

0
16

Pumanaw na ang isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa na si John Gokongwei Jr. sa edad na 93.

Sa ulat ng Esquire Philippines, si Gokongwei ay nakaratay sa Manila Doctor’s Hospital nang bawian ng buhay.

Nabatid na si Gokongwei ay ikatlo sa pinakamayamang tao sa Pilipinas na may tinatayang net worth na aabot sa 5.3 billion dollars.