Hirit ni Bong Revilla Jr na makabiyahe patungong U.S pinagbigyan ng Sandiganbayan

0
9

Pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang hirit ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na makabiyahe patungong Estados Unidos.

Batay sa motion for permission to travel ni Revilla, inihirit ng senador na nais niyang dumalo sa kasal ng kanyang anak na si Cavite Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla III sa susunod na buwan.

Si Jolo ay nakatakdang ikasal kay Angelica Alita, ang Binibining Pilipinas 2016 first runner-up.