Hindi bababa sa 30 bahay tinangay ng rumaragasang baha sa Cagayan

0
27

Hindi bababa sa 30 bahay at istruktura ang tinangay ng rumaragasang baha makaraang umapaw ang ilog sa bayan ng Abulug sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon kay Barangay Daan-Ili Chairman Henry Masuli, nasa 36 na bahay ang nilamon ng ilog kaya agad na lumikas ang mga residente.

Namahagi naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Abulug sa mga apektado ng kalamidad.