2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Pikit Cotabato

0
52

Sugatan ang dalawa katao sa pagsabog ng isang granada sa bayan ng Pikit sa Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Kim John Canada at Toto Montecino.

Batay sa impormasyon mula sa mga awtoridad, nanyari ang pagpapasabog malapit sa isang tindahan at sugalan dakong alas-7:00 kagabi.

Hinala naman ng mga residente, target ng nasabing pag-atake ang municipal treasurer ng bayan ng Pikit na si Ariel Cabañog na nakatira malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente para matukoy ang nasa likod ng nasabing pagsabog.

—-