Monday, May 6, 2024

Emergency room sa The Medical City nagmistulang ICU sa dami ng COVID-19 patients

- Advertisement -

Nagmistulang intensive care unit (ICU) ang emergency room ng The Medical City sa Ortigas.

Ito ay dahil sa pagdami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa ospital at ang tumataas din na bilang ng mga pasyenteng naka-confine sa ospital na nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Batay sa ulat, puno na kasi ng COVID-19 patients ang ICU ng ospital kaya’t nasa emergency room na lamang ang mga persons under investigation (PUIs), kung saan nag-tayo na lamang ng mga cubicle ang ospital para mabigyan pa rin ng sapat na atensyong medikal ang mga pasyente.

Gayunman, tiniyak naman ng The Medical City na mahigpit nilang ipinatutupad ang istriktong health protocols upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at upang mapanatili ring ligtas ang mga frontliners sa ospital.

Sa ngayon, nasa higit 2,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img