Jeepney driver kalaboso matapos mahulihan ng shabu sa QC

0
12

Kalaboso ang isang jeepney driver makaraang mahulihan umano ng tinatayang 680,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa E. Rodriguez Ave., Barangay Kristong Hari, Quezon City.

Ayon sa PDEA-NCR, hawak nila ngayon ang 44-anyos na suspek na residente ng Balut, Tondo, Maynila.

Pahayag ni PDEA Agent Leverette Lopez, naging matagumpay ang isinagawa nilang buy-bust operation laban sa naturang tsuper.

100 gramo ng umano’y shabu, mga cellphone at pera ang nasabat mula sa suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.