LTFRB magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa special permit ng mga PUV operator para sa kapaskuhan

0
16

Magsisimula nang tumanggap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng aplikasyon bukas para sa special permit ng mga PUV operator para sa nalalapit na kapaskuhan.

Ayon sa LTFRB, layon ng hakbang na ito ang masiguro na sapat ang mga masasakyan ng mamamayan sa darating na pasko kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao na magsisipag uwi sa kani-kanilang lalawigan.

Iiral ang naturang permit ng LTFRB mula buwan ng Disyembre 23 ng kasalukuyang taon hanggang Enero 3 sa susunod na taon.

Samantala, tatagal ang paghahain ng petisyon para sa special permit hanggang Nobyembre 22.