Isang buwang extension sa desisyon ng kaso sa Maguindanao Massacre pinagbigyan ng Korte Suprema

0
21

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng hukom na may hawak sa Maguindanao Massacre case na isang buwang extension para desisyunan ang kaso.

Naniniwala si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na bahagi ang dagdag na panahon upang matiyak na maibibigay ang tamang hustisya.

Ayon kay Peralta, tiwala s’yang ginawa ni Judge Jocelyn Solis – Reyes ang lahat upang mabigyan ng hutisya ang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre nang hindi sinisikil ang due process para naman sa mga akusado.

Una nang hiniling ni Reyes ang dagdag na isang buwan para makapagpalabas ng desisyon sa 10 taon nang kaso dahil sa dami ng dokumento na kelangang pag-aralan.