Japanese coast guard patuloy ang paghahanap sa nawawalang cargo ship na may lulang 38 tripulanteng Pinoy

0
15

Patuloy pa ring pinaghahanap ng Japanese coast guard ang nasa 38 mga tripulanteng Pinoy na lulan ng lumubog na barko sa karagatang sakop ng Amami Oshima o  East China Sea dahil sa masamang panahon.

Ito ay matapos na marescue ang isang crew member nito matapos na mapaulat na nawawala noong Miyerkules.

Batay sa pahayag na inilabas ng UAE-based gulf navigation, ikinalulungkot niya ang malagim na trahedya dahil sa ngayon anila ay wala pa rin senyales ng mga survivors sa pagtaob ng nasabing barko.

Ayon sa isang tagapagsalita ng Gulf Navigation, tiniyak nito na patuloy rin nilang minomonitor ang sitwasyon at umaasa rin sila na masagip na ang mga nawawalang tripulante lulan ng barko.

Ang nasabing cattle ship ay may lulan na 6,000 mga baka ay nagpadala ng distress call sa West Amami Oshima Island sa Timog-Kanlurang bahagi ng Japan noong Miyerkules dahil sa malakas na hangin bunsod nang pananalasa ng Typhoon Maysak