Home collection ng COVID-19 specimen maaari na —DOH

0
20

Maaari nang isagawa ang home collection ng mga specimen ng suspected coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, puwede nang mangolekta ang mga lisensyadong laboratoryo ng specimen mula sa mga bahay ng mga posibleng positibo sa COVID-19.

Gayunman, iginiit naman ni Vergeire na may kondisyon naman ang Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng home collection ng mga specimen.

Sinabi ni Vergeire, dapat na makipag-ugnayan muna ang mga laboratoryo sa pagsasagawa ng home collection ng mga specimen para na rin sa monitoring ng kagawaran.

Aniya, dapat rin na nakasuot ng personal protective equipment (PPE) ang personnel ng mga laboratoryo na mangongolekta ng specimen.