Metro Manila kabilang sa 51 lugar na posibleng makaranas ng tagtuyot

0
47

Nanganganib mapabilang ang Metro Manila sa 51 lugar na posibleng makaranas ng tagtuyot sa katapusan ng Abril.

Ito, ayon sa PAGASA ay dulot pa rin ng El Niño phenomenon na inaasahang mararamdaman hanggang Hunyo.

Bukod sa Metro Manila, kabilang din sa mga posibleng makararanas ng drought ang ilang lalawigan sa Luzon tulad ng Abra, Benguet, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ilocos Norte, La Union, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Marinduque, Romblon at Palawan.

Labingtatlong (13) lalawigan naman sa Visayas ang maaari ring maapektuhan gaya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Siquijor habang labing-isa (11) sa Mindanao tulad ng Misamis Occidental, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Sulu at Tawi-Tawi.

—-