BI magdadagdag ng tauhan sa iba’t-ibang international airport bilang paghahanda sa holiday season

0
50

Magdadagdag ng tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa iba’t-ibang international airport bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga bakasyunista ngayong holiday season.

Ipinabatid ng BI labing siyam (15) na immigration officers ang dagdag na ipapakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang tatlumput pitong (37) iba pa ay ipapadala naman sa Clark, Mactan, Kalibo at Davao.

Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina, napadalhan na ng travel orders ang mga empleyado at ide-deploy na ang mga ito simula ngayong linggo.

Ang mga naturang Immigration officers ay magbibigay ng ayuda sa libu-libong international passengers na inaasahang darating sa bansa ngayong holiday break.

Trabaho rin ng mga Immigration officer na tiyaking hindi makakapasok sa bansa ang human traffickers at iba pang sindikato maging ang mga terorista na inaasahang magsasamantala sa holiday season.