Ginebra Coach Tim Cone dismayado pa rin sa kabila ng panalo nito vs Northport

0
44

Nakahinga na ng maluwag ang Barangay Ginebra Gin Kings matapos ang makapigil hiningang pagkapanalo nito kontra sa palabang Northport.

Ito’y makaraang maitala ang gahiblang panalo ng Gin Kings sa Northport sa PBA Commissioner’s Cup noong Sabado sa score na 73-70.

Nanguna ang import na si Justin Brownlee sa panalo ng Ginebra dahil sa ambag nitong 32 puntos, 8 assist at 5 steals habang sila Greg Slaughter at Scottie Thompson naman ay nakapagtala ng 16 at 11 points.

Sa kabila ng gitgitang labanan, hindi pa rin kuntento rito si Ginebra Coach Tim Cone at pinuna pa nito ang mga turn-overs na ginawa ng kaniyang mga players.

Dahil dito, hawak ng Ginebra ang 2-1 na kartada kung saan, sunod namang makakalaban nito ang Rain or Shine Elasto Painters sa Hunyo 7 sa Smart Araneta Coliseum.