35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

James Reid idinepensa ang sarili laban sa mga basher

- Advertisement -

Idinepensa ng aktor na si James Reid ang sarili mula sa bashers na nagsasabing hindi siya karapat dapat maging judge sa bagong kapamilya program na Idol Philippines.

Ayon kay James, kinuha siya para maging isa sa mga judge ng Idol Philippines dahil nagawa niyang iangat ang sarili sa kanyang napiling field at career sa showbiz industry.

Binigyang diin pa James na nakitaan din naman siya ng talento ng mga bumubuo ng Idol Philippines.

Sinabi naman ni James na kanya na ring iniiwasang magbasa pa ng mga komento para hindi na rin maging negatibo ang kanyang pananaw.

Maging si Billy Crawford ay ipinagtanggol din si James at sinabing wala ng dapat hanapin ang publiko lalu’t nakapagtayo ng sariling record label ang aktor.

Kabilang sa makakasama ni James na magiging judge sa Idol Philippines sina Regine Velasquez, Vice Ganda at Moira Dela Torre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -