Monday, May 6, 2024

Posisyon ng PDEA sa pagsasapubliko ng narco-list pinanindigan

- Advertisement -

Nanindigan si PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino sa kanyang posisyon laban sa planong pagsasapubliko ng listahan ng mga politikong sangkout umano sa iligal na droga.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ng Malakanyang na posibleng ilabas na ni Interior and Local Management Secretary Eduardo Año ang nasabing narco list sa susunod na linggo.

Ayon kay Aquino, tutol siya sa planong ilantad ang pangalan ng mga kandidatong kabilang umano sa narco list lalo’t hindi pa aniya tapos ang kanilang ginagawang re-validation.

Gayunman palilinaw ng opisyal, nakahanda pa rin siyang sundin kung anuman ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin.

Samantala, naniniwala naman si Aquino na mas marami pang mga politikong sangkot sa iligal na droga ang wala sa nasabing listahan.

Sa ngayon aniya ay nasa walumput dalawang politiko na lamang ang kabilang sa listahan mula sa naunang walumput tatlo (83) kasunod na rin ng pagkakaaresto kay Datu Salibo, Maguindanao Mayor Norodin Franco noong Pebrero.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img