‘Fight of the Century’ posibleng matuloy na

‘Fight of the Century’ posibleng matuloy na

by Powered by DWIZ
44 views

Kinumpirma na ni Tyson Fury na nais niyang makaharap si Anthony Joshua.

Ito ay sa kondisyon na hindi matuloy ang ikatlong paghaharap nila sa Deontay Wilder.

Ayon sa 31-anyos na tinaguriang “Gypsy King”, nais niyang matuloy na rin ang tinaguriang “fight of the century” nila ng kapwa champion na si Joshua.

Hawak na ni Fury ang WBC heavyweight belt habang si Joshua ay hawak ang apat na IBO, IBF, WBA at WBO belt.

Magugunitang tatlong beses na pinatumba ni Fury si Wilder sa rematch nila at nakuha ang panalo.

0 comment

Related Posts