Itinakdang poverty threshold ng PSA insulto sa mga mahihirap ayon kay Villarin

0
52

Isang insulto para sa mga mahihirap ang itinakdang halaga ng poverty threshold ng Philippine Statistics Authority o PSA para sa isang pamilya na mayroong limang miyembro.

Ito ang ipinahayag ni Akbayan Representative Tom Villarin makaraang ilabas ng PSA ang kanilang datos na bumaba ang bilang ng mga pamilyang nabibilang sa mahihirap.

Tila anya tinatrato ng mga estatistiko ng gobyerno ang kahirapan bilang mga numero na maaari nilang paglaruan para paniwalain ang publiko na mayroong magandang nagyayari sa bansa.

Giit ng kongresista, panahon na para tukuyin ang poverty threshold at pagkakaroon ng disenteng buhay batay sa tunay na pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.