Italy naitala ang pinakamataas na death toll sa COVID-19

0
29

Naitala ng Italy ang pinakamataas na bilang ng pagkasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang araw lamang.

Ito ay matapos umabot sa 368 ang panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa virus nito lamang linggo.

Dahil dito umakyat na sa kabuuang 1,809 ang mga nasawi sa Italy na siya ring pinakamataas na bilang sa labas ng China.

Batay sa ipinalabas na datos ng civil protection service ng Italy, pumalo na sa higit 24,700 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 infection sa Italy.

Nananatili naman ang Northern Lombardy region na malapit sa Milan bilang epicenter ng pandemic sa Europa matapos maitala dito 60% ng mga nasawi sa Italy.