DFA naglabas ng paglilinaw sa pagtatanggal ng travel ban sa mainland China

0
26

Nagpalabas ng paglilinaw ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pagtatanggal ng travel ban sa mainland China maliban sa Hubei Province.

Alinsunod anila ito sa ipinalabas na resolution ng interagency task force for the management of eerging infections disease noong Marso 12  bilang hakbang para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DFA, sakop ng tinaggal na travel ban ang mga balik manggagawa o overseas filipino workers na may maipakikitang validong visa, work permits,OEC, naka-notaryong deklarasyon kaugnay ng kaalaman sa panganib ng pag-alis at iba pang mga dokumento.

Gayundin ang mga Filipinong may permanent resident visa sa China, pilipinong opisyal ng pamahalaan na on-official duty.

Habang hindi naman kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s na unang beses pa lamang na-deploy sa mainland China, estudyante, mga dependents ng mga OFW’s at turista.