Thursday, May 2, 2024

Pangangasiwa ng PADC pormal nang inilipat ng Pangulong Duterte sa DND

- Advertisement -

Pormal nang inilipat sa DND o Department of National Defense ang pangangasiwa sa Philippine Aerospace Development Corporation.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 78 kung saan ipinagutos nito ang paglipat ng PADC sa DND.

Batay sa nasabing kautusan, nakasaad na layon nitong matiyak na makakamit ng bansa ang pagiging “self-reliance” pagdating sa mga defense equipment, lalo at tumataas ang external threats ng Pilipinas.

Matatandaang ang PADC ay dating nasa pangangasiwa ng DOTr o Department of Transportation.

Ang PADC ay nilikha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1973 upang mas paigtingin ang Philippine Aviation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img