Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Gazini Ganados nakita na ang kanyang ama sa kauna-unahang pagkakataon

Nakita na ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados ang kanyang Palestinian na ama sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa instagram post ni Gazini, makikita ang umaapaw na saya ng beauty queen nang makasalo sa hapunan sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ama.

Ayon kay Gazini, nag-dinner sila ng kanyang ama sa pizza parlor kung saan aniya nagkakilala at nagkita ang kanyang mga magulang, 30 na ang nakakaraan.

Magugunitang sa mga naunang panayam kay Gazini, kanyang sinabi na isa sa mga dahilan ng kanyang pasiyang maging beauty queen ay ang mga pagkakataon na makapunta siya ng ibang bansa at maisabay ang posibilidad na madalaw ang ama sa Palestine.

Gayunman, hindi kinailangan pang magtungo ni Gazini sa Palestine dahil ang kanyang ama ang lumipad patungong Pilipinas.

 

Related posts

Heart Evangelista pinarangalan sa 11th Comguild Academe Choice Awards

Powered by DWIZ

Gilas Pilipinas kaagad sasabak sa ensayo pagdating mula sa Spain

Powered by DWIZ

Tennis player Novak Djokovic nagpositibo sa COVID-19

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More