Isko nag-alok ng P1-M reward sa ikadarakip ng 7 suspects sa Binondo bank robbery

0
42

Naglabas ng P1-M reward si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagdakip sa pitong (7) suspect na nanloob sa isang bangko sa Binondo.

Sa press conference, sinabi ni Domagoso na batay sa  impormasyon na binigay ni Lt. Col. Noel Aliño ng Manila Police District 11, 8:40 ng umaga nang pasukin ng hindi pa nakikilang mga suspek ang Metrobank, Sto. Cristo branch.

Pinapasok ng mga suspek sa loob ng isang opisina ang mga empleyado at sapilitang binuksan ang vault

Hindi pa matukoy ng mga otoridad kung magkano ang perang natangay ng mga suspek.

Bagamat tinanggal ng mga suspek ang CCTV ng bangko, hindi naman nakaligtas ang mga mukha nito sa CCTV ng barangay kaya tiwala naman si Domagoso na agad na mahuhuli ang mga suspek.

Dahil sa maluwag na kalsada, mabilis na nakapagresponde ang mga pulis.

report from Aya Yupangco (Patrol 5)