Impeachment complaint vs. Duterte niluluto na – PAMALAKAYA

0
43

Inihahanda na ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PAMALAKAYA National Chairman Fernando Hicup, dapat na managot ang pangulo sa pagkakabangga ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank at pag-amin na nakipagkasundo siya sa China na maari itong mangisda sa exclusive economic zone ng bansa.

Aniya, kasalukuyan silang kumukunsulta sa mga abogado para sa gagawing draft ng impeachment complaint laban sa pangulo.

Ito ay matatapos ay posibleng agad itong maihain sa darating na 18th congress.