Pagsibak kay Lawton PCP chief ipinag-utos na ni Isko

0
64

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsibak sa hepe ng Lawton Police Community Precint (PCP) matapos madiskubre ng alkalde ang dami ng nakakalat na dumi sa Bonifacio Shrine.

Sa pag-iinspeksyon ni Moreno sa bantayog ng bayaning si Andres Bonifacio, hindi naitago nito ang kaniyang inis nang makita ang nagkalat na dumi sa paligid nito gayung malapit pa aniya ito sa tanggapan ng alkalde ng Maynila.

Aksidente pang nakatapak ng dumi ng tao si Moreno at pabirong sinabing siya ay suswertehin at magkakapera.

Dahil sa pagkadismaya sa aniya’y kababuyan sa lugar, nais nitong papanagutin ang hepe ng Latwon PCP na nakakasakop sa Bonifacio Shrine.

Aniya, hindi na iginalang monumento ni Bonifacio.