Thursday, May 9, 2024

Testimonya ng Viatnamese crew na sumagip sa mga Pinoy fishermen nais marinig ng gobyerno

- Advertisement -

Balak ding ipatawag ng gobyerno ang Vietnamese crew na sumagip sa mga Pilipinong mangingisda na nagpalutang-lutang sa dagat matapos banggain ang sinasakyang bangka ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.

Ito, ayon kay Defense secretary Delfin Lorenzana, ang napagkasunduan nila matapos ang ipinatawag na Economic Development and Security, Justice and Peace Clusters meeting sa Malacañang.

Sinabi ni lorenzana na nais ng gobyerno na marinig ang testimonya ng Vietnamese crew sa naging sitwasyon sa pagsagip nito sa mga Pilipinong mangingisda.

Gayunman, inamin ni Lorenzana na maaaring hindi makatulong ang Vietnamese crew sa paglilinaw sa aktuwal na insidente dahil nasa malayong bahagi ng karagatan ang mga ito nang mangyari ang insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img