Nakatakda nang desisyonan ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo na isinampa laban kay Senator Koko Pimentel kaugnay sa paglabag nito sa panuntunan ng quarantine.
Ayon kay Justice Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, submitted for resolution na ang isinampang reklamo ng Makati School of Law na si Atty. Rico Quincho laban sa senador.
Ang pagsasampa ng kaso ni Atty. Rico Quincho laban sa senador ay partikular sa paglabag nito sa Republic Act 11332 o mandatory reporting of modifiable diseases at iba pang protocol ng Department of Health (DOH), matapos itong pumasok sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang asawang buntis.
Matatandaan kasing napabilang si Pimentel sa mga person under investigation (PUI) matapos na magkaroon ng exposure sa ibang pasyente na positibo sa COVID-19.