Pormal nang nagbitiw bilang Chairman emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III, kahapon.
Nagbitiw na rin ito bilang direktor ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation.
Nagpapasalamat naman si Gabby sa pagtitiwala ng mga stockholder at ng buong korporasyon sa kanya gayundin sa mga kapwa direktor at tagapamahala na kanyang nakasama sa paninilbihan sa ABS-CBN network.
Samantala, agad namang itinalaga bilang kapalit sa pwesto ni Lopez ang isa sa board of directors na si Mario Luza Bautista.
Si Bautista ay nagsilbing abogado ng kumpanya at kasapi ng board of advisors ng ABS-CBN simula pa noong 2011 at naging board adviser para sa First Philippine Holdings Corporation.