Isinailalim na sa State of Calamity ang munisipalidad ng Carles sa lalawigan ng Iloilo.
Kaugnay ito ng patuloy na nararanasang pag ulan bunsod ng hanging Habagat.
Ayon kay Carles Mayor Siegfredo Betita, apektado ng naturang sama ng panahon ang 33 Barangay.
Aniya, labis na naapektuhan ng pag ulan ang Isla ng Gigantes kung saan tinatayang nasa mahigit isang daang turista naman ang na-istranded sa naturang Isla.
Dahil dito, nagpadala na naman ang DSWD o Dept. Of Social Welfare and Development ng mahigit 3 libong Food Packs bilang ayuda sa mga turisdang na-istranded sa Isla.
Sa ngayon, sinabi naman ni Betita na mananatili sa Isla ang mga naturang turista hanggang sa bumuti na ang panahon upang makabiyahe ang mga ito.