Saturday, May 18, 2024

NDRRMC marami ang apektado ng pag ulang dulot ng Hagabat

- Advertisement -

Pumalo na sa 18 libong pamilya o katumbas ng 72 libong indibidwal ang apektado ng mga pag-ulang dulot ng Habagat.

Batay sa pinaka-huling datos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinaka marami ang naapektuhan sa Regions I, III at IV B o Mimaropa.

Kasabay nito, sinabi rin ng NDRRMC na nasa 1 point 6 million pesos na ang tulong na naipaabot nila sa mga apektadong pamilya.

Hanggang kahapon, araw ng Biyernes nakaranas ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, sinabi naman ng PAGASA na patuloy pa ring makararanas ng Monsoon Rain ang malaking bahagi ng Luzon dahil pa rin sa Habagat na hinahatak ng bagyong Hanna kahit na nasa labas na ito ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -