DFA inihain ang Diplomatic Protest laban sa China

0
52

Inihain ng DFA o Dept. of Foreign Affairs ang 3rd Diplomatic Protest laban sa China

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang presensiya ng mga Chinese Warships sa EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, ang naturang hakbang ay upang pagpaliwanagin ang China sa pagkilos nito sa karagatang sakop ng bansa.

Kasabay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na suportado ng Malacañang ang panibagong Diplomatic Protest na inihain ng bansa laban sa China.

Aniya, dapat ay humingi ng permiso ang China sa Gobyerno kung maaring dumaan ang kanilang Chinese Warships sa EEZ ng bansa.

Gayunman, sinabi rin naman ni Panelo na malaki ang posibilidad na maaring hindi alam ng Chinese Government ang naturang akson ng kanilang Warships.

Dahil dito, mas mabuti aniyang hintayin na lamang ang magiging tugon ng gobyerno ng China.