29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Tatlo patay, dalawa sugatan sa pananambang sa Taguig City

- Advertisement -

Patay ang dalawang Chinese national gayundin ang isang Pinoy habang sugatan naman ang dalawang menor de edad na kasama nito matapos tambangan sa Taguig City kahapon.

Kinilala ni Southern Police Distrct Spokesperson P/Maj Jaybee Bayani ang mga biktimang Chinese na sina Ninjie Zhang at isang nakilala sa alyas na Kauyu gayundin ang Pinoy na nakilala lamang sa alyas na Noel.

Alas dos ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Taguig City PNP hinggil sa nangyaring pananambang sa mga biktimang sakay ng kotse sa harap mismo ng opisina ng Department of Science and Technology (DOST) sa Gen. Santos Avenue.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa Taguig – Pateros District Hospital ang dalawa pang menor de edad na nasugatan sa nangyaring pananambang.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Taguig City PNP hinggil sa pagkakakilanlan ng may apat na mga salarin gayundin ang motibo ng mga ito sa krimen. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -