Isang punong barangay pinagbababaril sa Misamis Occidental

0
54

Malagim ang sinapit ng isang punong barangay makaraang pagbabarilin sa isang contest sa bayan ng Sapang Dalaga sa Misamis Occidental.

Nabatid na si Barangay Locus Chairman Rodrick Malazarte ay itinumba habang isinasagawa ang dance at singing contest sa kanyang barangay.

Sa imbestigason, katabi ng biktima ang mga board of judges nang lapitan ng hindi pa nakikilalang salarin at pinaputukan.

Sinasabing walang natatanggap na mga pagbabanta sa buhay ang biktima bago ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang pamamaslang.